Thursday, February 2, 2012

Afraid sa ex-girlfriend ng boyfriend

Dear Maria Angela,
Nabalitaan kong uuwi ang ex-gf ng bf ko. Natatakot akongmagkita sila dahil baka matuklasan nilang mahal pa rin nila ang isa’t isa. Ano ang aking gagawin? - Fhaye

Fhaye,
Teka nga muna, bakit ba natatakot ka ng ganyan, eh, matagal na namang tapos ang kanilang relasyon? Wala ka bang tiwala sa’yong boyfriend? Hindi mo ba nararamdaman ang kanyang pagmamahal? O nai-insecure ka lang? Kung talagang mahal mo ang iyong boyfriend, dapat lamang na pagkatiwalaan mo siya. Kung hindi mo ito gagawin, pirming kang matatakot. Gusto mo ba iyon? Siguro naman ay hindi ka manhid para hindi mo maramdaman ang kanyang pagmamahal. Kung nararamdaman mo ang kanyang pagmamahal, pagkatiwalaan mo siya. Sige ka, baka magkalamat ang inyong relasyon. Hindi dahil sa pagbabalik ng kanyang ex kundi sa kawalan mo ng tiwala sa kanya. Kung ramdam mong kulang ang pagmamahal niya sa’yo, makipag-break ka na sa kanya. Oo nga mahirap makipaghiwalay, lalo na kung mahal na mahal mo siya ngunit, kailangan mo ring protektahan ang iyong sarili upang hindi ka na masaktan pa. Higit kaninuman, mas mahalin mo ang iyong sarili. Mag-usap rin kayo ng iyong bf. Itanong mo sa kanya kung tunay ba ang pagmamahal niya sa’yo. Kapag hindi siya makatingin ng diretso sa’yong mga mata, ibig sabihin ay hindi siya sigurado sa’yong damdamin ngunit kung nagagawa naman niyang bigkasin ang mga katagang mahal kita habang nakatitig sa’yong mga mata, dapat lang sigurong pagkatiwalaan mo siya.

1 comment:

  1. may tiwala nga pero di mo naman masasabi na di maiinlove bf mo sa ex nya kung ang pinag uusapan nila past nila. sakit kaya nun. i experienced that kahapon nung inopen ko fb ng bf ko. may communication pa pla cla ng ex nya, hindi lang nya sinasabi.

    may meaning ba ito?:(
    gamit ko lang account ng bf ko

    ReplyDelete