Dear Maria Angela,
Anim na taon na kami ng karelasyon kong tibo ngunit
may karelasyon din akong lalaki, two months pa lang kami. Naguguluhan ako, sino
sa kanila ang aking pipiliin? – Abby
Abby,
Ang babae ay inilaan para sa lalaki. Iyon ang
dahilan kaya kahit matagal na ang relasyon ninyo ng tibo ay hindi pa rin sapat
para siya ang mahalin mo ng lubos. Hindi ko sinasabi ang mga katagang ito dahil
inuudyukan kitang ang boyfriend mo ang iyong piliin, ikaw ang makapagdedesisyon
noon. Ang nais ko lang ipamulat sa’yo, kahit maayos ang relasyon ninyo noong
tibo, iba pa rin ang hahanapin mo. Aasamin mo pa rin na ang kayakap at
kahalikan mo ay iyong tunay na lalaki. Patawarin mo ako sa aking sasabihin pero
kalimitan, ang mga babaing nakikipagrelasyon sa tibo ay iyong takot masaktan.
May mga lalaking papalit-palit ng karelasyon kaya natatakot silang mabigo
samantalang kung ang pipiliin nila ay ang tibo, posibleng maging tapat ito sa
kanya. Ganoon ka ba? Kung iyon ang layunin mo kaya nakipagrelasyon ka noon sa
tibo, makabubuti pang putulin mo na ang relasyon mo sa kanya. Ang tao kasing
umiibig ay hindi na iniisip ang damdamin ng iba sapagkat ang tanging mahalaga
sa kanya ay ang kanyang damdamin. Kung mahal mo talaga ang karelasyon mong
tibo, hindi mo gugustuhing saktan siya subalit nagawa mo na siyang pagtaksilan.
No comments:
Post a Comment